Paano maghain ng reklamo sa makatarungang pabahay sa ibang mga wika maliban sa Ingles
Paano Maghain ng isang Reklamo sa Makatarungang Pabahay:
Labag sa batas ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagbebenta o pagpapaupa ng pabahay, mortgage lending at ibang mga transaksyon na may kaugnayan sa pabahay, batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, bansang pinagmulan, kapansanan, o katayuan sa pamilya (ang pagkakaroon ng menor de edad na mga anak o pagiging buntis). Ang batas ay nagpapataw ng karagdagang mga kinakailangan sa mga tatanggap ng HUD na pagpopondo, na kinabibilangan ng pagkuha ng makatwirang mga hakbang upang makapagbigay ng makabuluhang daan sa kanilang mga programa at mga aktibidad sa mga taong hindi nagsasalita, nagbabasa, nagsusulat, o nakakaunawa nang mahusay sa wikang Ingles. Kung naniniwala ka na ikaw ay nakaranas ng diskriminasyon, maaari kang maghain ng isang reklamo sa Office of Fair Housing and Equal Opportunity (FHEO) ng HUD sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-669-9777 (o 1-800-927-9275 para sa TTY). Kapag ikaw ay tumawag, kung hindi ka nagsasalita o nakakaintindi ng Ingles nang mahusay, isang tagasalin na nagsasalita ng iyong wika ang ilalagay sa tawag. Maaari kang maghain ng isang reklamo sa FHEO kung ikaw man ay isang mamamayan ng Estados Unidos o hindi.
Maaari ka ring maghain ng isang reklamo gamit ang Wikang-espanyol na housing complaint form ng HUD.
Kung ipapadala mo ang housing discrimination complaint sa pamamagitan ng paghulog sa koreo, maaari mong i-download o i-print ang form sa Arabic, Cambodian, Chinese, Korean, Russian, Somali, Espanyol, at Vietnamese.
Ibang mga Mapagkukunan ng Impormasyon o Tulong na may Kaugnayan sa Wika:
Mga Karapatan ng mga Taong May Limitadong Kahusayan sa Wikang Ingles
Isinalin na HUD na mga Dokumento
Interagency LEP na mga Sanggunian
Mga Materyales sa Outreach na Makatarungang Pabahay sa Wikang Ingles at Ibang Mga Wika